Saturday, August 15, 2009

EXCLUSIVE! BAKIT NAWALA SI WILLIE SA WOWOWEE?


Good deed does pay!

Naniniwala na ngayon ang pinoyPEP sa kasabihang ito sapagkat kami mismo ay napatotohanan ng naturang pahayag.

Kamakailan kasi, inilabas namin ang artikulong nagtatanggol sa noontime show host na si Willie Revillame sa issue ng pagpapatigil niya ng funeral cortege simulcast airings ni Pangulong Cory Aquino sa ABS-CBN. Click here for related story.

Ikinagulat ng pinoyPEP nang matanggap namin ang imbitasyon ng isang ABS-CBN Executive para ikumpisal ang tunay umanong dahilan ng pagkawala sa ere ni Willie Revillame, partikular sa show niyang Wowowee. Halos isang linggo na kasing sumasailalim sa indefinite leave ang host matapos ang ugong na nilikha ng kontrobersiya.

Nagulat kami sapagkat hindi biro ang taong gustong kumausap sa amin. Isa itong mataas na opisyal ng naturang istasyon na ayaw ipabanggit ang pangalan. Noong una'y hindi kami naniniwala sa mensaheng aming natanggap sa pamamagitan ng e-mail. Hanggang sa personal kaming tinawagan ng Executive sa telepono at ipinatawag sa kanyang opisina.

Pamilyar kami sa ABS Building. At nawindang kami sapagkat totoo nga palang siya mismo ang aming kakausapin.

Kahapon, Biyernes, August 14, bandang alas-kuatro ng hapon, sinadya namin ang opisina ng ehekutibo sa Mother Ignacia.

Doon ay walang habas niyang inihayag sa amin ang mga rebelasyong hindi pa kailanman naririnig ng publiko at maski kami ay nagulat sa kanyang mga naging pahayag.

Una naming tinanong kung bakit sa dinami-dami ng mapagkakatiwalaang press group, bakit sa pinoyPEP niya piniling magbigay ng statement?

"Honestly, nabasa ko yung article niyo about dun sa insidente, a week ago siguro. Nakita ko ang puntong tumutugma sa punto ko. Hindi alam ng Management na magpapa-interview ako. Kaya lang, i can't handle this. Kawawa si Willie. Kahit papano naman kasi, naging kaibigan ko yan. I hope na hindi lalabas ang pangalan ko sa isyung 'to. And i trust you."

Ayon sa kanya, si Ms. Linggit Tan ang pinaka-naoffend kay Willie matapos nitong banggitin ang pangalan niya sa ere.

"Si Linggit talaga ang na-hurt that time. Para daw kasing pinalabas ni Willie na siya ang may kasalanan. Bago pa kasi yun, tinawagan ni Willie si Linggit. Pero, ang News Department ang nag-utos sa Technical. Nainis lang siya dahil parang siya ang na-blame instead of the News Dept."

Kinahapunan daw, ipinatawag ni Charo Santos-Concio (ABS-CBN President) si Willie sa kanyang opisina at inutusang mag-sorry kinabukasan sa opening ng Wowowee.

"Doon na nagalit si Willie. Maingay siya nun. Ginagawa daw siyang robot. Talagang matigas ang ulo niya pero dahil wala naman talaga siyang ginawang mali. Pero, dahil utos nga ni Ms. Charo, sinunod ni Willie yung command kinabukasan. Pero, i know na pinilit niya lang."

Matapos daw iyon, nakatanggap ng order ang ABS galing sa KBP at MTRCB.

"Yung sa KBP, parang paglilinaw lang. Pero, yung order talaga ay galing kay Chairman Laguardia. Actually, ang nasa papel ay two weeks suspension. Tinawagan ni Mam Charo si Chairman at sinabing susunod kami kung tahimik na isu-suspend si Willie. Meaning, hindi ipapaalam na suspended ito. Kaya lumabas yung issue ng indefinite leave. Idea yun ng Management at hindi ni Willie."

Muling ipinatawag ni Charo Santos-Concio si Willie at sinabi ang tungkol sa suspension. Kaharap daw noon sina Johnny Manahan (Mr. M), Mr. Gabby Lopez, Ms. Linggit Tan, at ang aming kausap na Executive.

"Mainit na nun si Willie. Napikon siya nung sabihin ni Mam Charo na hindi sasabihing sinuspinde siya. Ang kay Willie kasi, lalong pinalala ng ABS ang sitwasyon. Iisipin daw kasi ng tao na tinataguan niya ang isyu kung palalabasing nag-leave siya. Mas maganda pa raw na sinabing sinuspinde ito."

"OO nga naman. Baka mas makakuha pa si Willie ng simpatiya ng tao kung sasabihin yung totoo. Pero, hindi ko sinabi yun sa miting. Sa loob-loob ko lang. Mahirap kasing sabihan si Mam Charo. Baka isiping pinangungunahan ko siya."

Nang mga sandaling iyon, galit na galit daw ang host. Kahit kaharap pa ang mga boss, direkta umanong isinumbat ni Willie ang kapabayaan ng Network.

"He's shouting. At emosyonal siya. Kahit sino naman siguro. Kahit daw tanggalin na siya sa Wowowee, ok lang. Sobra na raw ang effort niya. Tsaka siya umalis. Sinundan siya ni Johnny at hindi ko na nakausap si Willie simula nun."

Nang tanungin namin kung kailang babalik si Willie, o kung babalik ba ito pagkatapos ng sinasabing two week suspension, maikli ang naging pahayag niya;

"Hindi ko alam. Pero, sa sama ng loob ni Willie na nakita ko, i doubt."

Sa pagtatapos ng aming panayam sa kanya, palaisipan sa amin kung dapat ba naming isulat yun o hindi. Napagtanto naming kailangang mabatid ito ng publiko. Handa kaming panindigan ang aming mga isinusulat.

Ipinaaabot din namin ang pasasalamat sa ABS-CBN Executive na nagbigay sa amin ng eksklusibong impormasyon na unang maririnig sa pinoyPEP. Bilib kami sa kanyang paninindigan at propesyonalismo.

Naniniwala kaming bahagi ng kanyang tungkulin ang ilabas ang ganitong mga isyu na karapatang mabatid ng publiko na sumusuporta sa istasyong kanyang pinaglilingkuran.

Sa huli, nakalulungkot na tila hindi na nga babalik si Willie Revillame sa programa ng bayan. Pero, patuloy na umaasa ang bawat Pilipino na hindi magpapa-apekto ang host sa agos ng kontrobersiya. Alam naming malilinawan rin si Willie at hindi magtatagal, babalikan niya rin ang kanyang tahan, ang tahanan ng bawat Pilipino, ang WOWOWEE.

2 comments:

Anonymous said...

sananaman matapos na ang mga alitan o hinanakit nila sa isat isa ni jobert ?who is this GUY ANYWAY conpare to willie .if i willie i dont even put may self down to this shit. sa pag alis mo sa wowowee para mo na rin ipinakitang nanalo itong baklang ito na kung tutuosin his nothing but a piece of dirt .kung tutuosin mandiyan ka for the nation not for him. everybody missed you just a little advise to you dont forget to put your feet down.kung minsa nakakalimut tayo na karamihan sa mga kasama natin sa trabaho ang siyang tunay na nagmamahal sa iyo.

Anonymous said...

it's too bad that they terminated wowwowee and change it to pilipinas win na win.but it's all willie's fault, he didn't know how to treat people right esp women..he should know better...people see how he is...unprofessional, rude, arrogant etc..