Wednesday, September 2, 2009

Iglesia Ni Cristo Leader Eranio Manalo Died


Eraño Manalo, the leader of the Iglesia Ni Kristo has died yesterday according to their own television network Net 25. Also known as Ka Erdy, he is the current Executive Minister of the Iglesia ni Cristo religious organization. He took over the administration of the church after the death of his father, Felix Manalo, in 1963. He was instrumental in the propagation and expansion of the church internationally. He previously held office as the General Treasurer of the church, and as a District Minister of Manila. The religious leader died of cardiopulmonary arrest on his home at at 3:53 p.m., August 31 according to his doctor Rey Melchor Santos. INC spokesman Bienvenido Santiago said the church leader will be interred at the Templo Sentral of the INC in Quezon City and will be open for public viewing today. Our deepest condolences.

Thursday, August 27, 2009

STAR CINEMA VS. SM CINEMAS




Kinumpirma ng Star Cinema Productions sa ilalim ng ABS-CBN ang malaking conflict sa pagitan nila at ng SM Cinemas. Matatandaan na ang huling offering ng Star Cinema na And I love You So nina Bea Alonzo at Sam Milby ay opisyal na banned sa lahat ng sinehan ng SM.

Bunsod umano ito ng hindi pagkaka-unawaan sa kontrata ng dalawang malaking kompanya. Ayon sa source ng pinoyPEP, humihirit umano ng increase ang SM sa Star Cinema dahil sa mataas na film gross at sa ganda ng mga sinehang nirenovate ng SM.

Mariin umano itong tinutulan ng ABS. Matumal raw kasi ang industriya ng mga pelikula sa ngayon.

At dahil nga sa hindi pagpayag ng Star Cinema sa hiling ng SM, nagpadala ito ng mandatory order para i-ban ang lahat ng pelikula ng Star Cinema sa kanilang mga sinehan.

Nagdesisyon tuloy ang ABS-CBN na sa ibang malls na lang ipalabas ang And I love You So. Karamihan sa mga sinehan kung saan nagshowing ang pelikula ay pagmamay-ari ng Ayala Malls.

Sa maingay na conflict between Star Cinema and SM, hindi itinanggi ni Governor Vilma Santos ang pangamba na baka makaapekto ang isyu sa ilalabas niyang pelikula na In My Life kasama ang anak na si Luis Manzano at si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Ate V, malaki ang kontribusyon ng SM Cinemas sa traffic ng pelikula. Karamihan kasi ng mga nanonood ay pinipili ang mga sinehan ng SM.

Umaasa ang Star for All Season na maayos ang gusot na ito alang-alang sa kanyang comeback movie na lalabas ngayong Setyembre.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang SM Management sa usaping ito.
Bukas naman sa pakikipag-ayos ang pamunuan ng ABS-CBN at Star Cinema Productions.

Tuesday, August 25, 2009

WILLIE REVILLAME ENVADED DAVAO




Ginulat ni Willie Revillame ang Sambayanang Pilipino sa kanyang kauna-unahang paglitaw sa publiko matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya sa sariling noontime show na Wowowee.


Sa tantsa ng pulisya, umabot sa 170, 000 na katao ang dumalo sa Wowowilie Show na pumuno sa Agro Football Field sa Davao City.


Ang palabas ay inisponsor ni Sen. Manny Villar na napapabalitang dadalhing kandidato ng sikat na host. Kasabay din nito ang maugong na pagtakbo umano ni Revillame para sa Senado sa ilalim ng ticket ni Villar.


Hindi naman inalintana ng mga Davaoeño ang malakas na buhos ng ulan sa kalagitnaan ng palabas. Alas-otso pa lang ng umaga ay nagsimula nang dumagsa ang mga nagnanais na makita si Willie. Halos alas-siete na ng gabi nang simulan ang show. Sa kasamaang palad, bandang 8:30pm ay nasira ang mga sound system at buong set ng production kung kaya't napilitang itigil ang palabas bandang 9:30 ng gabi.


Sa panayam ng pinoyPEP kay Sen. Manny Villar, humingi siya ng paumanhin sa maagang pagtatapos ng show dahil sa masamang panahon.


"Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap ng Davaoenos sa amin. Humihingi rin kami ng paumanhin sa pagkansela ng show ni Willie dahil nakakaawa naman po ang mga nanonood na basang-basa na ng ulan."


Samantala, hindi pa rin maikakaila ang kalungkutan sa mukha ni Willie. Sa katunayan, kitang-kita ng pinoyPEP ang pagtulo ng luha ni Willie sa kalagitnaan ng palabas. Hindi lang gaanong napansin ng publiko dahil naligo na nga sa ulan ang host.


Sa text na ipinadala ni Willie sa pinoyPEP,


"Nakahiga ako ngayon sa hotel. Naluluha pa rin ako. Lalo akong tumitibay sa buhay 'pag nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga tao. I'm so blessed. Sa sobrang mahal ako ng Panginoon, gusto kong ituloy ang pagpunta sa buong bansa.Para yung hindi nakakapunta sa Wowowee, ako ang lalapit sa kanila. Lalo akong naiinspire sa buhay dahil sa mga tao."


Sa tono ni Willie, mukhang desidido nga siyang ituloy ang pagsabak sa pulitika. Gayunpaman, hindi maikakaila ang karisma ni Willie sa tao na malamang ay maging pangunahing asset niya para maipanalo ang posisyong nilalayon sa 2010.