Tuesday, August 25, 2009

WILLIE REVILLAME ENVADED DAVAO




Ginulat ni Willie Revillame ang Sambayanang Pilipino sa kanyang kauna-unahang paglitaw sa publiko matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya sa sariling noontime show na Wowowee.


Sa tantsa ng pulisya, umabot sa 170, 000 na katao ang dumalo sa Wowowilie Show na pumuno sa Agro Football Field sa Davao City.


Ang palabas ay inisponsor ni Sen. Manny Villar na napapabalitang dadalhing kandidato ng sikat na host. Kasabay din nito ang maugong na pagtakbo umano ni Revillame para sa Senado sa ilalim ng ticket ni Villar.


Hindi naman inalintana ng mga DavaoeƱo ang malakas na buhos ng ulan sa kalagitnaan ng palabas. Alas-otso pa lang ng umaga ay nagsimula nang dumagsa ang mga nagnanais na makita si Willie. Halos alas-siete na ng gabi nang simulan ang show. Sa kasamaang palad, bandang 8:30pm ay nasira ang mga sound system at buong set ng production kung kaya't napilitang itigil ang palabas bandang 9:30 ng gabi.


Sa panayam ng pinoyPEP kay Sen. Manny Villar, humingi siya ng paumanhin sa maagang pagtatapos ng show dahil sa masamang panahon.


"Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap ng Davaoenos sa amin. Humihingi rin kami ng paumanhin sa pagkansela ng show ni Willie dahil nakakaawa naman po ang mga nanonood na basang-basa na ng ulan."


Samantala, hindi pa rin maikakaila ang kalungkutan sa mukha ni Willie. Sa katunayan, kitang-kita ng pinoyPEP ang pagtulo ng luha ni Willie sa kalagitnaan ng palabas. Hindi lang gaanong napansin ng publiko dahil naligo na nga sa ulan ang host.


Sa text na ipinadala ni Willie sa pinoyPEP,


"Nakahiga ako ngayon sa hotel. Naluluha pa rin ako. Lalo akong tumitibay sa buhay 'pag nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga tao. I'm so blessed. Sa sobrang mahal ako ng Panginoon, gusto kong ituloy ang pagpunta sa buong bansa.Para yung hindi nakakapunta sa Wowowee, ako ang lalapit sa kanila. Lalo akong naiinspire sa buhay dahil sa mga tao."


Sa tono ni Willie, mukhang desidido nga siyang ituloy ang pagsabak sa pulitika. Gayunpaman, hindi maikakaila ang karisma ni Willie sa tao na malamang ay maging pangunahing asset niya para maipanalo ang posisyong nilalayon sa 2010.

No comments: