Monday, August 24, 2009

BEYONCE DIED?


Pumutok ang balitang pumanaw na raw ang sikat na singer na si Beyonce Knowles mula kaninang umaga sa iba't-ibang sites ng internet at maging sa text messages.

Ayon sa mensaheng natanggap ng pinoyPEP, di umano'y pumanaw si Beyonce kaninang alas-otso kwarenta'y singko ng umaga (8:45am). Natagpuan umanong nakahandusay ang katawan ng singer sa kanyang tinutuluyang hotel sa California. Ayon din sa naturang balita, hindi pa umano alam ang naging sanhi ng pagpanaw nito. Sa kasalukuyan raw ay magbibigay na ng pahayag ang panig ni Beyonce tungkol sa issue.

Sa aming pagsisiyasat, isang American Citizen ang unang nagpaskil ng balita sa My Space Website.

Ipinasa-pasa ang maugong at nakakagulat na spoof sa iba pang espasyo ng internet hanggang makarating sa Pilipinas at iba pang bansa.

Nakapagtataka lang sapagkat sa internet lamang pumutok ang balita. Walang anunsyo galing sa malalaking media group tulad ng CNN at iba pang kilalang una lagi sa ganito kalalaking spoof.

Maliwanag na biktima rin si Beyonce ng malisyosong tsismis na isa sa mga negatibong bunga ng mabilis na agos ng teknolohiya. Sa ilang sandali kasi, mabilis na naipapakalat ang isang mapanirang pahayag sa pamamagitan ng mga free sites dito sa internet.

Hindi maikakailang marami na ring bigating stars, mapa-international man, o local artist ang nabiktima na rin ng naturang modus.

Samantala, patuloy na kinakalap ng pinoyPEP ang mga impormasyong may kaugnayan sa isyung ito.

No comments: