Monday, August 10, 2009

WILLIE REVILLAME, WALANG KASALANAN!

Kami lang siguro ang sasalungat sa agos ng maingay na kontrobersiya sa mga sandaling ito. Putok na putok kasi ang ayon sa ilan ay pambabastos ni Willie Revillame sa mga labi ng Dating Pangulong Cory Aquino sa kanyang noontime show na Wowowee.

Actually, on cover ako nang mga panahong nangyari ang insidente ng di umano'y pambabastos ni Willie. Kung matatandaan ninyo, yun yung araw kung saan inililipat yung Funeral Cortege ni Tita Cory from Greenhills to Manila Cathedral.

Sa youtube at sa kwento na lang ng mga kapatid namin sa hanap-buhay nanggaling ang info na ibinato sa amin.

Ayon sa kanila, ipinatigil raw ni Willie ang simulteneous coverage ng ABS-CBN sa big event ng pagpanaw ni Tita Cory. Hindi raw kasi makapag-concentrate ang host sa pagpapasaya sa audience habang ang kalahati ng screen ay ipinapakita ang karosa ng patay na si Pangulong Aquino.

"Kung ganyan, pakita na lang natin 'yan. Kasi nagsasaya kami dito, tapos... Masakit sa akin 'yan, e. Nagsasalita ako dito... 'yan, please. Sana maintindihan n'yo. Nagsasaya kami dito, papakita n'yo sa amin yun ang... di ba? Hindi tama, e. Okey? Hindi ba?"

"Pangit! Hindi ho maganda sa atin. Nagsasalita, ipinapakita yung kabaong ni Tita Cory, hindi ba? Papano kami makapagsasaya, nahihirapan kami? I'm sorry ho, ha. Pero ako, totoo ako, e. 'Wag n'yo akong pagagalitan, kasi totoo ang gusto kong malaman..."

"Pagkatapos ng show, ipakita n'yo ang gusto n'yong palabas. Kasi itong Wowowee, gusto ko... Hindi ba, at alam din ni Tita Cory 'yan dahil napasaya rin siya ng show na ito na laging masaya dito, ok?"


Madalas naming pitikin si Willie. Hindi namin siya kinakampihan. At kailanman, walang sinuman ang kakampihan ng pinoyPEP. Ang sa amin lang, kilatisin natin ang isyu.

Sa pagkakataong ito, gaya ng nasabi namin kanina, sasalungat kami sa agos. Tataliwas kami sa pananaw ng maraming detractors ni Willie.

Una, ang purpose ni Willie ay napaka-simple. Gusto niyang hindi maging katawa-tawa ang Wowowee dahil buong mundo ang nakakapanood nito. Saan ka nga naman nakakita ng programang gumigiling sa studio samantalang ang kalahati ng screen, kabaong? 'Di ba? Walang mali dun.

Pangalawa, ang GMA 7 nga, hindi ginagawa iyon, bakit kailangang ipakita pa iyon ng ABS? Ano? Gusto nila ng exclusive scoop kahit wala sa lugar?

Naiintindihan namin si Willie. Kahit sinong host, madedestruct talaga.

Ayon sa impormasyong ibinigay sa amin, nung unang commercial pa lang daw, tinawagan na ni Willie ang ABS-CBN Executive na si Ms. Linggit Tan at sinabing kung pwede ay huwag nang ipakita ang coverage.

Nang bumalik sa ere ang Wowowee sa segment nitong Willie of Fortune, ibinalik na naman yung screen simulcast. Hindi na nakatiis si Willie at sa ere mismo ay ipinatanggal niya yun. Kaagad namang sinunod ng Technical Department.

Malinis ang intensyon ni Willie. Hindi siya dapat sisihin sa nangyaring iyon. Ang may mali ay ang ABS-CBN mismo. Timawa sila sa exclusive rights. Gahaman sa popularidad.

Pasintabi sa Pamilya Aquino. Alam naming nagluluksa pa sila sa mga panahong ito. Pero, sa aming pananaw, hindi rin inenjoy ni Tita Cory ang sobrang coverage sa burol niya ng ABS.

Grabe! Sobra sa pagiging mapapel ang Network na iyan. Ngayon, sila rin ang naiipit. Hinahanap ng tao si Willie sa Wowowee na absent simula pa nung Sabado.

Sabi ng Wowowee, may sakit daw ang host at nagpapahinga.

Pero, alam naming hindi kinaya ni Willie ang sobrang ingay na naging kontrobersiya na nagawa ng simpleng pagsasa-ayos niya ng sistema ng programa ng bayan.

Pumutok ang internet sa dami ng post na kumukundena kay Willie. May mga on-line petitions pa nga na inilabas ang ilan para tuluyang tanggalin si Willie sa Wowowee. Umabot na rin ang usapin sa MTRCB.

Ang hirap sa ating mga Pilipino, masyado tayong nagiging mapanghusga. Umiiral pa rin sa atin ang crab mentality. Kapwa natin Pilipino, ibinababa nating pilit. Nadadala tayo ng ingay ng ilan na walang pakay kundi ang biradahin si Willie na wala namang ginagawa kundi kumpletuhin ang tanghalian ng mga Pilipino sa kanyang napakatotoong programa.

Malaking papel ang ginagampanan ni Willie sa buhay ng bawat Pilipino. Pero, huwag nating kalimutan na tao ring katulad natin ang host. At tulad natin, may karapatan siyang pumalag kung baluktot ang nangyayari. May say siya sa programa dahil programa niya iyon.

At, tanggapin man ng ilan o hindi, walang buhay ang Wowowee kung wala si Willie. Let us try to see the good things that he brought to each and everyone of us. Wag nating gawing bond paper si Willie at tingnan ang mga maliliit na tuldok sa kanya.

Ang punto ng pinoyPEP ay simple. Tigilan ang pagpapalala sa isyu. Kailangan ng mga Pilipino si Willie. Yun lang.

9 comments:

Anonymous said...

Palagay ko nga po walang pagkakamaling ginawa si Willie..ang talagang may kasalanan dine eh ang ABS CBN Management..bakit walang kurdinasyon?..Ganang akin dapat magsalita ang ABS CBN na ipaliwanag sa publiko ang dahilan nang gusot na ito..maraming salamat..

Anonymous said...

Sumasang ayon po ako sa sinabi nyo not because i am also a fan of WILLIE REVILLAME. For me sumasabay lang sa agos ang mga detractors si Willie. Ginawan lang nila ng malaking issue. Simpleng salita lang pinalaki nila for what? Siguro ang kasalan ni MR. WILLIE is yung pagiging sikat niya i mean pagiging sikat na sikat, at they using it to control him. Na kailangan salain ang bawat salitang sasabihin niya dahil maraming nanood sa kanya. But i heard he appologized. Hayz ewan wala lang comment lang po

Anonymous said...

i extremely agree!

Anonymous said...

May katwiran sana...kaya lang di maayos ang pagkakasabi..arogante ang dating"

Jiggy Cruz said...

Hi pinoyPEP

I made a comment on my Twitter page already. You can use that =)

Unknown said...

Both ABS and Willie are to be blamed and Willie deserves to be suspended. Kahit anong good intentions pa, na ideliver niya ito ng hindi maganda and very unprofessional. Maraming instances na pinakikita ni willie ang pagiging inconsiderate sa mga co host niya at sa mga contestants. Ilang beses na ba niyang pinagalita on air ang mga co hosts niya at may isang instance pa na sinita niya ang isang contestants wearing short and sleevless na pati ang magulang ng bata eh dinamay pa by saying, "pinapayagan ka ng magulang mo na magsuot ng ganyan". Willie should be thankful to all the blessings he is receiving inspite of the fact na hindi siya magaling kumanta eh, nag platinum pa ang mga records niya, hindi mo rin pedeng sabihing magaling na komidiyante, most of the time corny naman siya, hindi rin magaling na host dahil bastos. Ang taging come on lang ng shows are the crying contestants and ang pagbibigay ng pera and bonuses sa mga selected contestants. RESPECT ang missing kahit pa tauhan mo lang iyan o contestant, much more sa president na inaadmire ng buong mundo. You only deserve the consequences of your action.

Anonymous said...

we can not move on on this situation of judgement after judgement. it will only misleading our kababayan here and abroad. if everyone keep on war between the both party of who is right and who is wrong there will be no end. the best thing we can do is just wait the higher official who handled this like the mrtcb. then what decision they make we accept it and make peace to everyone. thanks

Anonymous said...

Totoo ka friend. Pinapainit lalo ang issue. Boring ang Show kasi wala si Wil. Sana maayos na ito at makabalik na siya sa show. Buti na lang nandyan si Pokwang at least lajit papaano medyo live din ang show. Let's just close the issue at sana naman magsalita din ang ABS-CBN management in behalf of Willie.

Anonymous said...

I THINK IT IS ABOUT TIME THAT REVILLAME LEAVES THE SPOTLIGHT! HIS BEHAVIOR AND ATTITUDE IS DEMEANING AS WELL AS UNBECOMING OF A HOST. THIS HAS NOTHING TO DO WITH CRAB MENTALITY. THIS IS ABOUT REVILLAME'S ARROGANCE, NO CONSIDERATION,UNETHICAL BEHAVIORS DURING THE SHOW. YES,HE HAD HELP THE POOR FILIPINOS BUT NOT THROUGH HIS OWN EFFORT BUT MORE OF ABS-CBN. HE WAS SCRIPTED ON WHAT HE HAS TO DO.IF HE REALLY AND TRULLY WANTS TO HELP THE NEEDY,THEN DO IT HIS OWN WAY,OWN MONEY WITHOUT ANY PUBLICITY. HE GIVESAWAY MONEY...WHICH IS ABS-CBN MONEY..NOT HIS OWN MONEY.
HIS BEHAVIOR DURING COREY AQUINO'S BURIAL WAS TOTALLY DISRESPECTFUL. ..A HIGHLY RECOGNIZED PRES. OF THE PHILS..
GUESS WHAT REVILLAME, IF YOU HAVE BRAINS AND MANNERS,YOU SHOULD HAVE DISPLAY SOME RESPECT BY GIVING WAY FOR THE BURIAL AND HAVE YOUR SHOW ON DELAYED TELECAST OR HOWEVER YOU WANT IT TO BE PLAYED.YOUR BEHAVIOR JUST SHOWED POOR JUDGEMENT AND DECISION MAKING.IF YOU CARED ENOUGH ABOUT PRES. AQUINO...THEN YOU SHOULD HAVE CARED ENOUGH TO GIVE WAY FOR THE BURIAL SERVICE.
SIMPLE AS THAT. INSTEAD, YOU STOP THE VIEWING ON TV AND KEPT YOUR SHOW GOING.THINK! HOW DOES THAT LOOK TO THE EYES OF FILIPINOS ALL OVER THE WORLD. WHERE IS YOUR SUPPOSED TO BE MANNERS AND RESPECT FOR THE LATE PRES. AQUINO.
YOUR SUSPENSION IS NOT ENOUGH.TERMINATION IS THE BEST .
I USE TO BE YOUR FAN.BUT YOUR UNETHICAL AND UNPROFESSIONAL BEHAVIOR MADE ME FEEL DISGUSTED. I STOPPED WATCHING THE SHOW EXCEPT WHEN YOU'RE NOT HOSTING.THAT'S IS HOW DISGUSTED ,NOT JUST ME, BUT A LOT OF FIL. HERE IN THE U.S.