Tuesday, August 11, 2009

NATIONAL ARTIST ISSUE..

Nakakawindang ang isyung ito. For the past weeks, patuloy pa ring binabanatan sa mga radyo at tabloids ang pagkakahirang kay Direk Carlo J. Caparas bilang National Artist ng ating bansa sa larangan ng Visual Arts and Film.

Punto por puntong hihimayin ng pinoyPEP ngayon ang bawat hibla ng mainit na isyung ito.

Una, Sino nga ba si Carlo J. Caparas? Ano ba ang kanyang kontribusyon sa Sining Pilipino?

Si Caparas ay isang direktor at Komiks Writer. Marami siyang pinasikat na mga akdang kinagat ng masang Pilipino. Ilan sa mga natatanging komiks na isinulat ni Caparas ay ang Totoy Bato, Panday, Pieta, Bakekang, Kroko, at marami pang iba.

Karamihan sa mga komiks ni Direk Carlo na sumikat noong araw ay muling binubuhay ngayon sa telebisyon.

Ang isyung tinututulan ng ilan, bakit pinagsama ng Malacañang ang dalawang magkaibang aspeto ng parangal? Maliwanag na iba ang VISUAL ARTS sa FILM. Kung kategorya ng pelikula, walang puwang si Caparas. Pero, hirit ng panig niya, malaki daw ang kontribusyon ng Direktor sa VISUAL ARTS sa pamamagitan ng mga akda nitong pang-Komiks.

Bago ang lahat, ano nga ba ang nakapaloob sa kategoryang iyon?

"Visual Arts – painting, sculpture, printmaking, photography, installation art, mixed media works, illustration, graphic arts, performance art and/or imaging;"

Mukhang sa unang tingin, swak nga si Caparas dahil sa mga komiks niya. Pero teka, may hindi kayo alam.

Never naging illustrator si Caparas. WRITER siya ng komiks. Pero, hindi siya ang nag-drawing ng mga komiks na iyon.

Ang Panday at Pieta ay kay Steve Gan. Ang Bakekang ay kay Mar Santana. Ang Kroko ay kay Hal Santiago. Ang Totoy Bato ay kay Mar Infante.

Kita niyo na? Nasaan ngayon ang koneksyon ni Caparas sa Visual Arts? Wala!

Pero teka. Gaano nga ba kasagrado ang Pambansang Gawad sa Alagad ng Sining o ang National Artist Award? Ano ba ang mga benepisyong makukuha ng sinumang gagawaran ng parangal?

Ang National Artist award ay ang pinakamataas na pagkilala sa isang Alagad ng Sining sa kanyang propesyon. Kinikilala ng parangal na ito ang napakalaking kontribusyon ng isang personalidad na tumatak at naging bahagi na ng Kulturang Pilipino.

Dumadaan sa NCCA at CCP Board of Trustees ang selection process sa mga nominado sa bawat kategorya ng parangal. Masusing hinihimay ng dalawang organisasyon ang mga naiambag ng bawat nominadong personalidad.

Ngunit, sa bandang huli, nasa Palasyo pa rin ng Malacañang ang desisyon kung papanigan o papalitan ang listahan ng NCCA.

Sa pagkakataong ito, apat ang nilaglag ng Malacañang sa listahan ng NCCA at CCP at apat rin ang idinagdag na panibagong kategorya. Maliwanag na ang mga isiningit na National Artist Awardee ay hindi dumaan sa masusing proseso ng NCCA at CCP. Isinaksak lang ni Pangulong Arroyo ang mga pangalan nila sa listahang iyon.

Ang bawat awrdee ay antimanong makakatanggap ng P 100, 000 sa pagkakataong igawad ang parangal. Mayroon ding makukuhang lifetime pension ang bawat awardee. Idagdag pa rito ang kontrata para sa isang pabulosong State Funeral kung madedo na sila. At, ang recognition sa kanilang presence sa lahat ng events.

Isa pa, tataas ang value ng kanilang mga likha, pati na rin siguro ng kanilang sarili kung hinirang silang National Artist. Halimbawa, may isang pintor. Maganda ang kanyang mga likha, pero sa bangketa lang nabibili ang kanyang mga paintings at pwede pang tumawad sa presyo. Pero, ang mga painting ng mga nahirang na National Artist, kahit kung minsan ay hindi maunawaan kung ano ba yon, aba! napakamamahal.

Ayun naman pala. May money involve. Kaya naman pala nagkukumahog ang kulokoy na si Caparas. Proud na proud pang ibinabandera ang medalya ng pagiging National Artist niya.

Ang isyu, binaboy ang sagradong gawad parangal. Biruin mo, isisingit lang, National Artist na? Kahit pa wala sa kategorya? Halatang pilit lang isinaksak sa listahan si Carlo J. Caparas.

Kung ako sa kanya, yuyuko na lang ako habang suot-suot ko ang medalyang nakuha niya lamang sa pandaraya. Palagay ko, mas hahangaan ng publiko si Caparas kung isasauli na lang niya ang award. Nakakasuka kasi!

Samantala, pumalag na ang iba't-ibang sektor ng lipunan sa pambababoy na iyon sa Pambansang Gawad. Kabilang sa mga nagpoprotesta ay ang NCCA at CCP Board of Trustees na siyang nagbigay ng listahan sa Malacañang.

Sa mga readers ng pinoyPEP na 'di sumasang-ayon sa pagkakahirang kay Caparas, inaanyayahan namin kayong lumagda sa ON-LINE PETITION para kundenahin ang pambababoy ng Malacañang sa Sining Pilipino sa paghirang sa isang buwayang katulad ni Carlo J. Caparas.

No comments: