Wednesday, August 12, 2009

JIGGY CRUZ REACTS TO WILLIE'S APOLOGY..

"I love Jiggy!" Yan ang statement na madalas kong marinig noong kino-cover ko pa ang Funeral ng Dating Pangulong Corazon Aquino. Sa lahat kasi ng kamag-anak ni Tita Cory, si Jiggy ang pinaka-cute! Haha.. At napaka-approachable na tao.. Siya yung pwede mong interviewhin anytime..

Si Jiggy Cruz ang panganay na apo ni Tita Cory.

Hindi tumigil ang pinoyPEP sa pangungulit sa kanya upang magbigay ng komento sa pinaka-mainit na isyu ng bayan, ang pagpapatigil ni Willie revillame sa simulcast airings ng funeral ni Tita Cory sa programang Wowowee ng ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng kanyang BLOG na The Tangled Web, tinadtad namin ng comment si Jiggy para humingi ng statement galing mismo sa kanya. Mahalaga kasing marinig ang side ng bata considering na siya ay super close kay Tita Cory.

Bagamat nagbigay na ng statement si Deedee Sytangco at Sen. Noynoy Aquino tungkol sa isyu, pursigido pa rin kaming hingin ang statement niya.

Sa mensaheng nakuha ng pinoyPEP, napakatipid ng binitiwang pahayag ni Jiggy.

"As far as our family's concerned, we understand the explanation of Willie Revillame."

Sa maikli subalit maliwanag niyang pahayag, malinaw na nauunawaan na ng pamilya Aquino, at maging ni Jiggy ang sentimyento ni Willie.

Ipinaaabot naman ng pinoyPEP ang pasasalamat kay Jiggy sa maginoong pagtugon sa aming Pamunuan.

No comments: