Thursday, August 13, 2009

ANABELLE RAMA IS SUCH A LOSER!


Kawawang Anabelle Rama. Sa dami kasi ng mga kasong nasuhulan ng butangerang Bisaya na ito, buong kompyansa siyang maipapanalo ang kaso laban kay GMA 7 Executive Wilma Galvante. Siguro, nagwawala na ang butangerang bruha sa kanyang mansyon at pinagbaba-bato ang mga diamonds niya nang matanggap ang balita kahapon.

Ibinasura kasi ng Quezon City Prosecutor's Office ang kasong Grave Oral Defamation o Grave Slander na isinampa ni Anabelle kay Wilma Galvante. Ayon sa Pamunuan ng nasabing opisina, ibinasura ang kaso dahil sa "lack of probable cause".

Isinampa ni Bisaya ang kaso noong April 14, 2009 matapos umanong siraan siya ni Galvante sa kanyang mga alaga, partikular sa young actor na si JC De Vera. Ikinulong umano ng GMA Executive ang aktor sa kanyang opisina noong February 16, 2009 at walang habas umano siyang siniraan sa mina-manage na aktor.

Ayon kay Asst. City Prosecutor Ronald C. Torralba, hindi kapani-paniwala ang statements ni Anabelle. Wala rin umanong basehan ang kasong isinampa ni Bisaya sa Korte. Ayon pa sa Hukom, tila hindi naiintindihan ni Rama ang ibig sabihin ng kasong kanyang isinampa.

Malayo umano sa konteksto ng "Grave Oral Defamation" sa mga naging pahayag ni Galvante na ang mismong panig nila ang naglabas. Ilan sa mga mapanirang pahayag umano ni Galvante na ginamit ng kampo ni Rama sa naturang kaso ay ang mga sumusunod;

"Tingnan mo. Tingnan mo kung ano ang ginagawa ng manager mo."

"Happy ka ba sa manager mo? Ilang taon pa ba ang kontrata mo sa kanya?"

"May kopya ka ba ng contract mo kay Anabelle? Pwede ko bang makita?"

"If there is anything i can help you, just tell me."

Pinunterya ni Bisaya ang mga pahayag na iyan ni Wilma Galvante para palabasing sinisiraan siya nito kay JC De Vera. Pero, ang totoo, si Bisaya talaga ang may kasalanan matapos na 'di pasiputin si JC sa isang show na tinanguan mismo ni Anabelle.

Hindi ko malaman kung windang na ba ang utak ni Rama o kung natural na lang sa kanya ang maging luka-luka. Para kasing nangongolekta ng mga kaso ang Manager. Hindi pa nga tapos ang kaso ng anak niya kay YES Magazine Editor Joan Maglipon, at sa asawa ng kanyang PA na nasawi sa aksidenteng kinasangkutan ni Richard.

Sanay na sanay na si Rama sa maruming kalakaran sa pakikibaka sa mga kasong bunga ng pagiging luka-luka niya. Pero, hindi ibig sabihin noon ay malulusutan na ni Anabelle ang lahat ng pagsubok.

Maging aral sana sa Bisayang butangera na hindi lahat ay natatapatan ng pera niya. Hindi rin lahat ng gusto niyang ipakulong ay maipapakulong niya.

May batas tayo. At matalim ang ngipin nito. Matanggap sana ni Anabelle Rama na kung pagkatao ang pag-uusapan, siya dapat ang unang kagatin ng matatalim na ngipin ng batas dahil sa kanyang asal sa kapwa tao lalo na sa mga kasamahan sa Industriyang ito.

2 comments:

Anonymous said...

Siguro sa sumulat na ito about kay Anabelle Rama, maybe you are just so mad about her..your taking it personally. Anabelle is just being a MOM to her alaga, natural lang yan sa isang ina. Malay mo kung siniraan talaga siya ni Wilma kay JC kaya nagpuputok ang butchi niya. Kahit ikaw naman kung siraan ka ng kapwa mo magagalit ka di ba!?

admin said...

paglilinaw lang at hindi pagtatanggol sa sarili at sa Pamunuan ng pinoyPEP. Wala kaming personal na galit kay Anabelle Rama. Ang mga nagamit na salita ng manunulat ay ang mga salitang umaangkop sa damdamin ng kanyang istorya. Maging malawak sana tayo sa mga pananaw. Hindi lang si Rama ang pinipitik ng pinoyPEP kung nagkakamali.

Salamat!