Wednesday, August 5, 2009

THE FUNERAL CORTEGE FOR PRESIDENT CORY AQUINO

Tumagal nang mahigit labing-limang oras ang aking coverage kahapon sa Funeral Procession para kay Dating Pangulong Corazon Aquino mula Manila Cathedral patungo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Ala-sais pa lang nang umaga ay pumoste na kami sa Quirino Avenue kung saan hindi na mahulugang karayom ang dami ng mga tao. Pilit akong sumiksik sa loob ng sandamukal na tao kasama si Kuya Boy na aking Camera/Audioman.

Ito na nga yata ang pinakamalaking hamon sa aming mga mamamahayag. Biruin mo, bumubuhos ang ulan, walang kainan, puno ng mga tao, at palipat-lipat kami ng location. Humahanap ng kakaibang anggulo at scoop. Ibang klaseng coverage talaga ang na-experience namin kahapon.

Sa taya ng NCR Police, umabot ng 200, 000 ang sumama sa prusisyon ni Tita Cory. Nag-uumapaw na emosyon ang mood ng crowd sa iba't-ibang lugar na pinostehan namin ni Kuya Boy.

Mula sa Quirino, lumipat kami ng Osmeña, tumuloy ng SLEX Exit, lumipat sa Skyway Flyover, sa Sucat, at ang huli, sa Manila Memorial.

Narito po ang ibinunga ng labing-limang oras naming pagbabantay. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga larawang kuha ng pinoyPEP sa Funeral Procession na aming kinover.




























































1 comment:

Anonymous said...

congratulations for capturing one of the most memorable event in our country!