Sunday, August 2, 2009

EXCLUSIVE! KRIS AQUINO, BINASAG ANG KATAHIMIKAN!

Isang matapang na Kris Aquino ang humarap sa isang eksklusibong interview sa The Buzz, ilang sandali ang nakakaraan habang sinusulat ang artikulong ito.

Sa panayam na pinangunahan ni Boy Abunda, unang lumabas si Kris matapos pumanaw ang kanyang ina na si Dating Pangulong Corazon Aquino noong Sabado, August 1.

Ang ABS-CBN ang official broadcast partner ng Pamilya Aquino. Kung kaya't, sa istasyon ring iyon ginawa ni Kris ang inaabangang pagbasag ng kanyang katahimikan. Huli kasing lumabas sa telebisyon ang aktres noong July 19, Linggo, sa programang The Buzz, upang panandaliang magpaalam sa kanyang mga tv shows.

Magmula noon, ginugol ng aktres ang kanyang oras sa walang humpay na pag-aalaga sa kanyang mahal na ina sa mga huling sandali ng buhay nito.

Sinimulan ni Kris ang pasasalamat sa walang tigil na pakikiramay at simpatiya ng Sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng kanilang ina. Binigyang-diin ni Kris na ang pagbuhos ng suporta galing sa publiko ay malaking tulong upang maibsan nila ang pighati at pangungulila kay Pangulong Cory.

"Mahirap maging malungkot. Pero, mas mahirap malungkot nang ikaw lang mag-isa."

Matapang na ibinahagi ni Kris ang buong-buong detalye ng naging paghihirap ni Tita Cory mula July 1, isang buwan bago ito pumanaw. Bagamat bumubuhos ang pabugso-bugsong emosyon ni Kris, tinitingala pa rin ng pinoyPEP ang lakas ng loob na harapin ang publiko.

For us, if there's someone that can tell us everything that happened, and everything that is right for the public to know, that would be Kris Aquino. We really commend her strength.

Sa isang pagkakataon, sinabi umano ni Tita Cory sa anak niyang si Ballsy na she's ready to join Ninoy. But Ballsy replied, "were not yet ready, Mom."

Inilarawan ni Kris ang hindi matatawarang katapangan ni Tita Cory sa pakikibaka nito sa sakit na cancer. Sinariwa ng aktres ang mga di malilimutang sandali kung saan hindi iniinda ni Tita Cory ang karamdaman upang pasayahin ang pamilya, especially, Josh and Baby James.

Pero, ibinahagi ni Kris na noong July 08, tila hindi na nakayanan ng kanyang ina. Ayon kay Kris, that was the first time na nagbroke-down si Mrs. Aquino. Hindi na raw kayang tiisin ng Pangulo ang sakit na nararamdaman. The President kept on telling everybody na gusto na niyang umuwi.

"It's so hard to see your Mom crying with the fact na you can do nothing."

Sa awa na nakikita ni Kris sa kanyang ina, at dahil na rin sa pagtatapat ng mga attending Doctors ni Mrs. Aquino, Kris came into conclusion na kailangan na nilang i-let go ang pinakamamahal na ina. Kinunsulta ni Kris ang mga kapatid asking the permission kung maaring bulungan na nila ang ina na magpahinga na. The siblings agreed.

After praying the Rosary kung saan siya humugot ng lakas ng loob, mata sa matang sinabi ni Kris ang pamamaalam sa mahal na ina na gising ng mga sandaling iyon.

"Mom, were ready for you to join Dad. Kasi, ayaw ka naming makitang nahihirapan pa."

Ilang araw ang nagdaan, tila lalong lumalala ang sitwasyon. Humihina ang mga vital signs at hindi na rin normal ang function ng ilang mga organs.

Isang nakakikilabot na pangyayari ang ibinahagi ni Kris. Ayon sa kanya, ipinatawag siya ng ina sa loob ng kuwarto nito. Nang mga sandaling iyon ay nasa labas si Kris at nagkakape. The nurse called her.

Nang pumasok si Kris sa room ni Tita Cory, walang ilaw kundi ang night lamp na nasa tabi nito. Pero, nagtaka siya nang mapansing may tila spotlight sa katawan ng ina. Nang lapitan nito si Tita Cory at tanungin kung may kailangan ito, ikinagulat ni Kris ang naging tugon ng ina.

"I can already see Ninoy."

Pinigilan ni Kris ang emosyon ng mga sandaling iyon. Tinanong niya ang ina kung sinusundo ba siya ni Ninoy. Tumango ang Dating Pangulo. Kris said that she could go with her Dad.

Binigyan ng morphine ang Dating Pangulo. Ito'y upang mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. Colon Cancer was the second most painful cancer.

Dagdag ng aktres, the last clear word that her Mother was able to say was "FAMILY", after she asked her what else she need.

Inihayag rin ni Kris ang sama ng loob sa MalacaƱang. Tinangka raw kasing i-recall ang dalawang malapit na security personels ni Tita Cory, bagay na iknasama ng loob ng kanilang pamilya. Isa kasi sa mga pribilehiyo ng mga naging Chief of Staff ay ang pagkakataon na mabigyan ng libreng Security from the Palace.

Sa tingin namin, isa ang bagay na iyon sa mga naging dahilan ng pamilya Aquino sa pagtanggi sa isang State Funeral na bahagi ng protocol para sa naging Pangulo ng Pilipinas. Nilinaw naman ni Kris na hindi pulitika ang dahilan ng pagtanggi nila.

Sa inilagi rin ni Pangulong Cory sa loob ng Makati Med, tila naging hudyat ng pagtatapos ng hidwaan sa ilang personalidad. Tila ba lumabas ang pananaw ng mga kalaban ng Dating Pangulo na isang mabuting kaibigan si Cory.

Ilan sa mga dumalaw ay sina dating Senadora Tessie Aquino Oreta, ang kapatid ni Ninoy. Matatandaan na sumalungat si Oreta nang pumanig ito sa Administrasyon. Naging maingay ang hidwaan sa pagitan niya at ni Mrs. Aquino. Isa rin sa mga dumalaw ay si Dating Pangulong Erap Estrada. Bagamat isa si Cory sa mga tumayo sa EDSA para patalsikin siya noong 2001, ipinakita pa rin ni Estrada ang paghanga sa Dating Pangulo. Bagay na labis na-appreciate ni Kris at ng buong Pamilya nito.

Nang pumanaw si Pangulong Cory noong Sabado, August 1, hindi kailanman umalis si Kris sa tabi nito. Saksi si Kris mula sa mga hospital procedures tulad ng pagpapahid ng mga kemikal, paglalagay ng identification sa paa at ang paglilipat ng bangkay sa body bag.

Si Kris rin ang kasama sa ambulansya na nagdala sa mga labi mula Makati Med patungong Heritage Park sa Taguig.

Nagsilbing punong-abala ang bunso ni Mrs. Aquino sa pagpili ng isusuot nito, ang make-up, hair style, at pati ang kabaong.

Sa mga panahong ito, nilalabanan ni Kris ang lungkot sa pamamagitan ng imahinasyong masaya na si Cory kasama si Ninoy.

Pangako rin ng aktres sa ina that she would continue her Mom's devotion to the Holy Rosary. Baka gumawa ng Holy Rosary album si Kris o iba pang paraan para ipagpatuloy ang nakakahangang faith ng ina.

Patuloy naman kaming nakabantay sa La Salle Greenhills kung saan patuloy ang pagdagsa ng mga supporters ng Dating Pangulo na di alintana ang masungit na panahon upang magbigay ng kanilang huling sulyap sa Ina ng Demokrasya. Umabot na nga sa apat na turns ang pila na tatagal ng tatlo hanggang apat na oras para marating ang kinaroroonan ng mga labi ni Pangulong Cory.

Walang patid na magbibigay ng mga latest info's ang pinoyPEP hanggang sa libing ng Dating Pangulong Cory Aquino sa Miyerkules, August 5.

Samantala, idineklara naman ng Palasyo na Special Non-Working Holiday ang August 5 upang makiisa sa paghahatid kay Pres. Cory sa huling hantungan nito.

No comments: