Saturday, July 25, 2009

WOWOWEE SABADO SPECIAL

Buhay na buhay ang opening number ng nangungunang noontime show sa telebisyon, ang WOWOWEE, noong Sabado, July25. Pinangunahan ni Bea Alonzo ang dance number kasama ang ASF Dancers at ang mga co-host ng Wowowee na sina RR, Mariel at Valerie.Syempre pa, lumabas din si Willie Revillame sa opening upang kantahin ang kanyang mga hit novelty songs.


Kumuha nang sampung bigat-10 para maglaro sa kanilang kwelang HEP! HEP! HOORAY! Portion. Nagkukumahog ang studio audience dahil sa laki ng papremyo. Umabot na kasi sa P 850, 000 ang gantimpalang naghihintay sa mga kalahok galing sa Rexona.


Dalawang contestant na lang ang natira sa nakakalitong game. Nang biglang lumabas si Willie at ipinatigil ang labanan ng dalawang contestant.


Teka, Sabado ngayon e. Kailangan magkasama. Gusto niyo bang maghati?”


Agad namang umo-o ang dalawang kalahok. Mahirap nga namang makipag-sapalaran. Isang matandang ale at isang sosyalerang dalaga ang natira sa game portion. They have all the chances of winning. Sila naman ang pipili ng kulay kung saan naroon ang mga papremyo.


Ang tatlong kulay na kanilang napili ay red, white and green.


The moment of truth. Pinapili na sila ni Willie ng gusto nilang kulay. Pinili ng matandang babae ang kulay pula, samantalang berde naman ang gusto ng sosyalerang dalaga.


Sa panuntunan ng game, kailangang isa lang ang piliin. Nagdesisyon ang dalawa na sa berde pumunta. Alam na naman ni Willie kung ano ang laman ng mga kulay na iyon. Iniabot na kasi ng isang Auditng Firm Representative sa kanya ang listahan ng prizes.


Binuksan ni Willie ang kulay ng pula. Presto! P 190, 000 ang laman galing sa Vaseline. Kitang-kita ang panghihinayang sa dalawa. Pero, may pag-asa pa. May 850K from Rexona. Malakas ang kutob ng dalawang contestant na nasa kulay ng green iyon.


Doon na ginamit ni Willie ang bluffing tactic niya. Para sa amin, daya ang ginawa ng host. Tila dinidiktahan na niya ang mga contestant. Yung mga linya niya eh parang pinapauwi na yung naglalaro. Kulang na lang eh sabihing walang laman ang kulay na pinili nila. Ilan sa mga mapanlinlang na pahayag ni Willie ay ang mgas sumusunod;


Naku! Lumabas na yung isang malaking premyo. Dalawa lang naman ang malaki dyan.”


Kutob ng damdamin? Baka itlog o sandok yang kutob ng damdamin niyo.


Nagsimulang tawaran ni Willie ang kulay. Nang umabot sa 40, 000 ang tawad ni Willie, nag-cash na ang matandang babae. Pero, ang sosyalerang dalaga, desidido na buksan ang kulay berde.


Ayaw mo ng 20, 000? Bahala ka! Wag mo kaming sisisihin.”, sabi ni Willie.


Marami pang nakaka-lokong statement ang host. Kung kaya't, bandang huli, nag-cash na rin ang sosyalerang dalaga.


Hindi na kami nagulat sa mga sumunod na pangyayari.


Binuksan ang green. Presto! Nandoon ang 850, 000 ng Rexona.


Madalas na naming mapansin ang maling paraan ni Willie ng pagtatanong sa mga contestant ng Hep! Hep! Hooray! Tila ba ayaw ibigay ng show ang malaking papremyo ng Rexona. Pano naman kasi, wala nang gaganahan sa baduy na portion nila kung mawawala ang biggest prize na nadadagdagan araw-araw.


Sana naman, gawing patas ni Willie ang game. Marami kasing natatanggap na e-mail ang pinoyPEP galing sa mga TFC Subscribers na nahahalata na rin ang panggogoyo ng host. Kung ayaw ni Willie na tawaging mandaraya, ayusin niya ang trabaho niya bilang host na nagrereflect sa kredebilidad ng show nila.




Sa hit portion ng WOWOWEE na Willie of Fortune, ang mga naglaro ay ang mga bidang OFW na ulila nang lubos. Meaning, wala na silang ina at ama. Nag-abroad sila upang buhayin ang mga kapatid.


Syempre pa, hindi nawala ang drama habang ini-interview ni Willie ang mga contestant. Sakto naman na nasa audience si Senator Manny Villar, kilalang tumutulong sa mga OFW's at maugong na Presidentiable for 2010.


Kataka-takang paulit-ulit na tinatanong ni Willie ang mga contestant kung may sarili silang bahay. Nalito kami dahil ang alam namin ay hindi nagbibigay ng house and lot sa PASALOG. P 500, 000 lang ang pinakamalaking mapapanalunan doon.


Nang matapos ang game. Pinapunta ni Willie sa center stage ang anim na contestant. Sa puntong iyon, tinawag ni Willie si Sen. Villar. Pinayagan ni Willie na ihayag ng Senador ang kanyang mga adhikain sa pulitika.

Tinanong rin ni Willie si Villar kung ano ang mensahe nito para sa mga kapwa Presidentiable.


Sabi ko nga, kailangan nating tumulong sa mga mahihirap. Yung mga nasa ilalim. Dahil yung mga nasa taas, kaya na nila ang sarili nila. Ang dapat nating tulungan ay yung mga nasa ibaba. Mahirap yung ikukwento lang natin yung mga gagawin natin.Kung tutulong tayo, dapat siguro ngayon na.”


Sa sandaling iyon, ikinagulat ng lahat ang sumunod na naging pahayag ni Willie.


So, sabi niyo Senator, kung tutulong ngayon na. So, mismong ngayon na, mismong sa oras na 'to. May hihingin akong pabor sa inyo ngayon. Ewan ko kung baka, mapahiya lang kayo. Nasa sa inyo naman. Ito po'y personal ko. Ito po bang anim na contestant ay mabibigyan ninyo ng house and lot?”


Napuno nang sigawan ang loob ng studio. Marami na rin ang nag-iiyakan. Talagang nakakakilabot ang hinihinging pabor ni Willie sa Senador.


Sabi ko naman sa'yo Willie. Kung ano, ok. Ibibigay ko.”


At tuluyan nang nagbreak-down ang anim na contestant. Niyakap nila ang Senador. Napuno naman ng palakpakan ang studio. Nagsisigawan ang mga audience.


PERO, isang impormasyon ang dumating sa pinoyPEP na hindi na namin ikinagulat. Di umano, planado ni Willie ang nangyari. Ayon kasi sa aming mapagkakatiwalaang source, madalas ang meeting sa pagitan ni Revillame at Villar. Daang milyon umano ang ipinatong ni Villar kay Willie upang ikampanya ito sa pagka-Pangulo.


Sinusugan naman ni Tita Cristy Fermin ang naturang info sa kanyang kolum sa BULGAR. Pinatunayan niya ang tsismaks na si Villar na nga ang opisyal na dadalin ni Willie sa 2010.


Pero, ganunpaman, ang ending pa rin, nakatulong si Sen. Manny Villar. Yun lang!


Matapos naman ang madramang eksena ng mga OFW's, inaliw ng ballroom dancing sensation na si Nanay Dionisia Pacquiao ang mga manonood sa kanyang inaabangang pagbabalik sa WOWOWEE. Ito'y matapos ang kanyang nakakabiting appearance noong Lunes sa naturang programa.

Nakakaaliw talaga ang kabaduyan ni Mommy D. Apat na phasing ang kanyang bonggang dance number na sinabayan ng ASF at syempre pa, ang D.I ni Mommy Dionisia na kasabay na rin niyang sumisikat.

Sa apat na segment ng dance number, apat na beses ring nagpalit ng costume si Nanay Dionisia. Kahit pa halatang ipinatong lang ang mga ito, A for the effort pa rin ang hatol ng mga nanonood.


Samantala, sa naturang show rin cinelebrate ang birthday ng King of Comedy na si Tito Dolphy. Ipinagdiriwang nito ang kanyang ika-81 kaarawan.

Hiyawan sa studio nang palabasin ni Willie si Tito Dolph's. Ito'y matapos niyang awitin ang kantang SMILE.

Elegante pero kwela pa rin ang dating ni Tito Dolphy sa kanyang suot na black suit na pinapalooban ng pulang polo.

Syempre pa, may inihandang presentation ang staff ng WOWOWEE. Ang mga clips mula sa pelikula ng Hari ng komedya. Pero, mukhang hindi ito pinaghandaan. Tila isang basurang slide show ng mga pinagputol-putol na video clips na walang direktang patutunguhan. Basag pa ang audio at halatang Windows Movie Maker lang ang ginamit.

For a number one noontime show, hindi yata tamang gamitin ang Movie Maker para sa isang espesyal na personalidad ng showbiz. Nakaka-dismaya talaga.

Hindi rin naitago ang kabastusan ni Willie. Pakwela nitong tinatanong si Tito Dolph's tungkol sa buhay sexual. Pabiro naman siyang sinagot nito.

May gamot naman e.”

Pero, wala sa timing kung joke nga ni Willie iyon. Halow? Birthday kaya ng kausap niya. Wala na bang alam na ibang way si Willie ng pagpapatawa kundi maging bastos?

Kinanta ni Tito Dolphy ang hit single ni Willie na Ikaw na Nga. Ayon kay Willie, ang buong akala raw ni Tito Dolph's ay siya ang makaka-duet nito.

Nang biglang lumabas si Zsa Zsa Padilla na kabiyak ng Hari ng Komedya.

Pero, obuse namang lift sing yun. Paano sasabihing hindi alam ni Tito Dolphy. E, pati yung kay Zsasing, lift sing rin. May pagka-sinungaling rin si Willie e.

Bagay na ikinadi-dismaya ng mga fans ng naturang show. Bakit kailangan pang manloko gayong maiintindihan naman ng audience kung sasabihin nila ang totoo.

For an 81 year old man, kakanta ng live sa isang song na hindi familiar sa kanya? Duhh..

Anyway, sa kasalukuyang ratings, malayo pa rin ang agwat ng WOWOWEE at EAT BULAGA. Patunay lamang na ang show pa rin ni Willie ang kinakagat ng masa.

And for that, Congratulations!

2 comments:

B73 said...

Hay nako, salamat naman at may kakampi pala ako..alam mo bang kaagad akong tumawag sa ABS nuong oras din na after ko malaman jackpot pala ang laman..after ako na mapaniwala ni Willie, yes bilang manunuod pakiramdam ko ay nalinlang din ako ni Host Willie sa kanyang paulit ulit na mga clue/paalala/whatever u kol them na mag'cash' na nga.. in fact kinakausap ko na nga ang tv ko at sinasabi ko sa girl "ang tanG-tanG mo na naman sinasabihan ka na nga ni Willie na baka magsisi ka di ka pa mag cash dyan" yun kasi ang dating ni Will..pero NO!NO! napeke ako!!! hayyyyyy,....... nasabi mo na nga pala lahat..syang sya rin ang namasid ko, at kaasar talaga..obvious ba na di gustong pamigay ang jackpot nung araw na to.. walang kadala-dalang host 'to..

admin said...

B73, happy ako na may naniniwala rin sa aking sentimyento.. i consider that as DAYA na rin.. anyway, kung ako ang maglalaro sa jackpot, i will go for the BUKAS kahit ano pa ang sabihin ni Willie..