Wednesday, July 29, 2009

OMG, SHOWING NA!

Pinuno ng tao nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid ang isang sinehan sa TRINOMA para sa kanilang Premiere Night ng Pelikulang OMG (Oh! My Girl!), na kanilang pinagbibidahan.

Hindi maikakailang excited ang mga fans sa kauna-unahang tambalan ng dalawang sikat na artista. Dagdag pa ang intriga na galing ang dalawa sa magka-bilang istasyon ng telebisyon na nagpupuk-pukan sa ratings.

Todo suporta naman ang kani-kanilang real partners na sina Ryan Agoncillo at Regine Velasquez na present sa naturang event.

Bigatin ang production ng OMG. Halatang ginastusan ang kahit sa set nang minsang bumisita ang pinoyPEP sa shoot ng naturang pelikula.

Ayaw namang sabihin ni Mother Lily Monteverde, Head ng Regal Entertainment, na siyang nag-produce ng movie, kung magkano ang estimated movie expenses. Pero, tiyak naman daw na mababawi ng Regal iyon. Malaki raw ang tiwala ni Mother kay Ogie at Juday.


Samantala, kung inyong matatandaan, pinasabog ng dalawang higanteng istasyon ng T.V ang isyung namamapak ng manggang hilaw si Juday sa shoot ng OMG. For clarity lang, ang isyung yun ay eksklusibong scoop ng pinoyPEP. Sa amin unang lumabas iyon. Nakaradar lang ang dos at siete kaya't ibrinodcast nila kaagad.

Expected naman namin na ganon ang kalakaran sa media. Agawan ng scoop. Nakawan ng coverage. Unahan sa balita. Ang sa amin, paglilinaw lang. Ang scoop na nakuha naming namamapak ng mangga si Juday, sa amin yun. Credit dapat namin yun. Hindi yun dapat angkinin ng kahit sinong pilato.





Samantala, hindi raw naman biro ang hirap ni Ogie Alcasid sa pelikulang ito. Ang costume at prostetics pa lang ay inaabot na ng 45minutes ang pagkakabit. Sa pagod nga raw, napabalitang nakatulog ang aktor na may suot na bra.

Hagard kay Ogie ang gumawa ng pelikula. Busy siya ngayon. May bagong Album, Hole in the Wall, Bubble Gang at S.O.P pa. Paano pa nga naman niya maisisingit si Regine? :)

Ayon sa aming source, napasubo lang talaga si Ogie sa Regal. Kaya't, pinilit niyang gawin ang OMG. Finally, natapos rin nila.

No comments: