Friday, July 24, 2009

RICHARD GUTIEREZ, IDENEMANDA!



Pormal na isinampa ni Lorayne Pardo sa Cavite Provincial Office ang kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide sa sikat na aktor na si Richard Gutirez.


Si Lorayne ay ang byuda ni Norman Pardo, ang Personal Assistant ni Richard na nasawi sa aksidenteng kinasangkutan ng aktor, ilang buwan na ang nakararaan.


Sa tulong ni Atty. Firdaussi Abass, inihain ni Lorayne ang kanyang affidavit sa Korte. Ayon sa kanya, ilang araw na siyang hindi pinapatulog ng asawa. Madalas niya umanong mapanaginipan ito.


Ipinakita rin ni Lorayne sa press ang ticket ng LTO na nakuha niya sa wallet ni Nomar. Kay Richard Gutierez nakatala ang violation na Reckless Driving. Patunay lang daw ito na kaskasero si Richard. Madalas daw ibida ni Nomar nung nabubuhay pa ito na mabilis talagang magmaneho ang aktor.


Masama rin daw ang loob ni Lorayne dahil tila kinawawa ang kanyang asawa sa pinangyarihan ng aksidente. 30 minutes na daw kasi ang lumipas bago ni-rescue si Nomar, samantalang si Richard ay agad naitakbo sa ospital. Pakiramdam tuloy niya ay pinabayaan ng GMA Staffs ang kanyang kabiyak.


Ni hindi rin daw nag-sorry ang kampo ni Chard. Wala pa rin daw siyang natatanggap na tulong-pinansyal mula sa pamilya Gutierez.


Handa raw harapin ni Lorayne ang mabigat na dagok na kanyang ipinaglalaban. Alam niya kasing magiging mahirap ang lahat. Sanay na kasi ang pamilya ni Richard na humarap sa mga kaso sa Korte.


Nilinaw ni Lorayne na hindi pera ng mga Gutierez ang gusto niya. Katunayan, inihayag niya sa media na hindi siya kailan man magiging bukas sa out-of-court settlement.


Samantala, sa selebrasyon ng birthday ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano, inilabas ni Tita Anabelle Rama ang galit niya kay Lorayne.


Iginiit ni Anabelle na walang pananagutan si Richard dahil aksidente ang nangyari. Handa raw silang humarap sa korte.


Tinawag namang traydor ni Anabelle si Lorayne.


Alam naming dagdag isipin na naman ito sa kanya lalo pa't hindi pa natatapos ang kasong libelo na isinampa sa kanya ng GMA Executive na si Wilma Galvante.


Ayon naman sa isang text message na aming natanggap mula kay Atty. Agnes Maranan, ang abugado ni Richard;


no one has to blame it.
Richard almost died too
..”


Sa kabi-kabilang kaso na kinahaharap ng pamilya ni Chard, tila napapatunayan na sila ang pinaka-kontrobersyal na pamilya sa Philippine Entertainment Industry.

No comments: