Friday, July 24, 2009

WILLIE REVILLAME, BUHAY NA BUHAY!


Sumabog ang Google Search Engine kahapon sa milyon-milyong Pilipino na kumukumpirma kung totoo ang balitang pumanaw na ang pinaka-sikat na tv host ng kasalukuyang panahon na si Willie Revillame.

Sa ginawang pagsisiyasat ng pinoyPEP, nagmula ang internet tsismis sa isang Pilipino sa Amerika na ipinaskil sa Twitter.

Sa kasamaang-palad, mabilis itong pinick-up ng napakaraming blog at websites, kaya naman mabilis pa sa alas-kwatrong lumaganap ang tsismis.

Maging kami ay nabahala sa balitang iyon. Itinext pa namin si Wil upang malaman kung totoo ang balita. Hindi nga lang siya nagreply.

Kinumpirma naman sa amin ni Tita Anna Feliciano na buhay na buhay si Willie. Wala umanong katotohanan ang balitang kumakalat sa net.

Samantala, kwelang hinarap ni Willie ang isyu kahapon sa Wowowee.

Naniniwala ba kayo sa multo?”, pabirong tanong ni Willie.


Napakarami raw ng nag-text at tumawag sa kanya kaninang umaga. Isa daw sa mga nabahala ay si Direk Bobot Mortiz na tumawag pa mismo kay Wil.

Wil, buhay ka pa ba?”

Wag kang mag-alala, buhay ako, kikita ka pa..”, sagot ni Willie kay Direk Bobot.

Paulit-ulit na binabanggit ni Willie ang salitang “buhay na buhay ako”. Katunayan, madalas nang nababanggit ni Wil ang tungkol sa kanyang pagpanaw. Lahat naman daw ay darating sa puntong yun.

Ang gusto ko, andito ko sa gitna. Tuloy pa rin ang show ng Wowowee. Gusto ko yung see-through”.

Pinasalamatan naman ni Willie ang nasa likod ng nakaka-alarmang balita.

Kung sino man ang gumawa no'n, salamat. Eto ako, buhay na buhay”.

Sa mapanirang balitang iyon, ang tanong ng marami, dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang mga impormasyong nakukuha sa mga websites ng internet?

Hindi maikakailang marami ang gustong kumuha ng atensyon.

Sa nangyaring iyon, napatunayan lamang na sikat na sikat talaga si Willie Revillame.


No comments: