Friday, July 24, 2009

Juday & Ryan on their third month..


Masayang-masaya ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang ikatlong buwan ng pagiging mag-asawa. Lalo pa ngayon na lumipat na sila ng bahay.


Sa press-con ng pelikula ni Juday na Oh! My Girl! (OMG), na pinagtatambalan nila ni Ogie Alcasid, masayang ibinida ng aktres na excited sila sa mga adjustments ng buhay may-asawa.

Hindi rin maitago ang kasabikan ni Juday na magkaroon ng baby. Katunayan, ayon mismo sa kanya, kumunsulta na raw siya sa doktor bago pa sila ikasal ni Ryan bilang paghahanda sa pagiging ina.

Pero, tila nauudlot ang plano nilang magkaroon ng sariling anak dahil sa stress. Kabi-kabilaan kasi ang mga projects ng mag-asawa, Tila nawawalan na raw sila ng time bara mag-bonding, lalo na sa kama.

Humingi naman si Juday ng tulong sa publiko upang ipagdasal ang kanyang napipintong pagbubuntis. Talagang gustong-gusto na raw nilang magka-baby.

Hindi pa nga lang siguro panahon. Pero, we're sure, darating yan! Wag nyong madaliin.

No comments: