Thursday, July 23, 2009

GOVERNOR V, HINDI READY FOR VP


Isa na yata sa pinakamatagumpay na personalidad ng showbiz ay ang Star for All Season na si Vilma Santos. Sa kabila ng kanyang makulay na karera sa industriya ng pelikula at telebisyon, nagawa pa rin ni Ate V na maglingkod sa publiko, partikular sa Batangas, kung saan siya ang kasalukuyang Governor.

Kahapon, tinanong ng press si Ate V tungkol sa political plans ng kanyang kabiyak na si National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Ralph Recto.

Ayon kay Vilma, wala pang pinal na desisyon si Ralph. Pero, malamang umano na muli itong tumakbong Senador sa kabila ng pagkabigo noong nakaraang 2007 Elections.

Samantala, hindi rin naiwasang intrigahin ang Star for All Season tungkol sa maugong na pagtakbo niya bilang Vice-President sa darating na Halalan sa 2010.

"kung tatakbo man ako ulit, another term as governor, but definitely not as vice-president. Kung papipiliin, ang focus ko lahat nasa Batangas, wala sa National position na Vice President. Hindi ako handa para diyan."

Hindi naman naiwasan ng ilan na itanong kay Ate V kung magiging katulad noong 2007 ang pahayag niya ngayon. Matatandaan kasi na sinabi noon ng aktres na hindi siya tatakbong gobernador, pero, siya na ang governor ng Batangas ngayon.

Ayon kay Ate V, ang pagka-panalo niya bilang governor ay destiny. That's why she is looking forward to run for her second term.

No comments: