Thursday, July 23, 2009

EKSKLUSIBO! RICO J. PUNO, TATAKBO SA MAKATI?


Nagulat ang studio audience ng programang Wowowee nang biglang sumulpot ang sikat na singer na si Rico J. Puno. Bagay na bagay kay Rico ang suot na long sleeves at maong pants. Hindi naman naiwasan ni Rico na kantyawan ang kaibigang si Willie Revillame.

Pinuna ni Rico ang araw-araw na pagli-lift sing ni Wil. Ayon pa kay Rico, hindi maituturing na tunay na singer si Willie. Tinawanan lang naman ito ng sikat na host.

Nag-promote ng napakaraming shows si Rico dito sa Pilipinas at maging sa abroad. Patunay lamang na may karisma pa rin ang singer sa mata ng publiko. Isa sa mga darating na shows ni Rico ay sa Sabado, 7pm sa Metrobar.
Matapos iyon, nag-duet si Willie at Rico. Kinanta nila ang hit song ni Willie na “Ikaw Na Nga“.

Tinanong naman ng deretsahan ni Willie si Rico habang umeere ang Wowowee kung tatakbo nga ba ito sa Makati. Ang tanging isinagot ni Rico;
Ha? Si Mayor Binay ang tatakbong presidente.”

Ikaw? Ano ba tatakbuhin mo sa Makati?”

"Ah.. eh, maaga pa. Ayoko muna. Pero, tutulungan natin ang mga taga-Makati.

Matapos iyon, humingi ng tulong si Rico sa mga TFC Subscribers upang mag-donate ng mga medical supplies para sa mga mamamayan ng Makati. Nilinaw rin niyang hindi siya tatanggap ng cash.
Pulitikong-pulitiko na nga ang dating ni Rico J.!

No comments: