Thursday, July 23, 2009

JOHN LLOYD, NIYAKAP ANG EX!


Kahapon, July 22, ini-launch ng SWATCH Watches si John Lloyd Cruz bilang pinakabago nitong endorser. Halata naman sa itsura ng binata ang excitement para sa naturang proyekto.

As usual, napuno ng press people ang event na ginanap sa The Establishment, sa The Fort, Taguig City. Ikinatuwa naman ng media nang ianunsyo na magpapa-raffle ng mga relo. At hindi lang basta relo, kundi isang daang piraso ng relo. Imagine! Kaya tilian ang mga lola niyo! Lalo pang naging exciting dahil si John Lloyd pa mismo ang bumubunot ng chips at nag-aabot ng papremyo.

Maya-maya pa, nabunot ni Lloydi ang chip number 126. Paulit-ulit niyang tinawag ang numerong iyon pero matagal na’y wala pa ring nagke-claim. Akala nga ng marami eh nakaalis na ang may-ari ng chip number.

Nang biglang tumayo ang isang babae na ikinagulat ng lahat. Si Liz Uy na fashion editor ng Preview Magazine. Hindi lang yon, for your information mga tsimoso, ex ni Lloydi si Liz!

Halatang nagulat ang aktor. Ilang sandali pa’y kusang lumapit si John Lloyd sa kinaroroonan ni Liz upang personal na iabot ang napanalunang relo. Pero, bago pa yun ay niyakap muna ng binata ang kanyang ex. Isang mahigpit na yakap na ikinakilig ng press people!

Napuno ng sigawan at tiliin ang The Establishment. Unfortunately, hindi namin nakunan ang mismong eksena. Pero, ang Philippine Entertainment Portal o PEP, may kuha ng yakapang naganap. Tingnan niyo na lang.
Maging kay Billy Crawford na host ng naturang event ay hindi nakaligtas si Lloydi. Siniko lang ni John Lloyd si Billy matapos sabihing tila pinag-papawisan ito at tanungin kung kailangan ba niya ng tubig.

Nang kausapin namin si Lloydi tungkol kay Liz, sinabi niyang normal lang daw yun sa kanya. Matagal na raw silang hindi nagkikita ni Liz kung kaya’t napahigpit ang yakap niya. Close din naman daw kasi si Liz sa may-ari ng SWATCH na si Ms. Virgie ramos.

Nang tanungin namin kung posible na may balikang maganap, isang ngiti lang ang isinagot ng gwapong aktor.

No comments: