Thursday, July 23, 2009

ALING DIONISIA, BABALIK SA WOWOWEE!


Matapos ang kagulat-gulat na pag-envade ni Aling Dionisia Pacquiao sa number one Noontime Show ng ABS-CBN na WOWOWEE noong Lunes, July 20, muli umanong babalik si Mommy Dionisia sa Sabado upang ituloy ang nabiting sayaw sa naturang programa.


Kinabagan ang lahat ng studio audience at maging ang mga home viewers sa tapatan ni Pokwang at ni Aling Dionisia. Maging ang host ng WOWOWEE na si Willie Revillame ay lubusan ring nabigla sa biglaang pagsulpot ng ina ng Pambansang Kamao. Hindi rin naitago ni Willie ang labis na tuwa kay Aling Dionisia.


Dahil dito, inimbita muli ni Willie sa ere si Mommy Dionisia upang gumawa umano ng special number sa naturang palatuntunan. Unang sinabi ni Aling Dionisia na libre ang schedule niya sa Huwebes, July 23, ngunit agad itong binawi matapos malamang mayroon pala siyang lunch meeting.


Gayunpaman, inaayos pa rin ng mga staff ng WOWOWEE ang muling guesting ni Mommy D. Ayon kay Willie, malamang na makasama si Aling Dionisia sa Sabado Special ng nangungunang programa.


Nang tanungin naman ng press si Aling Dionisia kung ok lang ang pang-gagaya sa kanya ni Pokwang, matigas na oo ang isinagot nito. Katunayan daw, ay natutuwa pa siya sa aktres sa nakakaaliw na pangi-spoof sa kanya.

Samantala, inaabangan na ng Sambayanang Pilipino, lalong-lalo na ng mga TFC Subscribers ang pagbabalik ni Mommy D. sa WOWOWEE.

No comments: