Thursday, July 23, 2009

MEGA, SUPORTADO SI KIKO SA 2010


Pinangunahan ni Megastar Sharon Cuneta ang ginanap na Movie and Press Induction Event kahapon. Naging panauhing pandangal naman sa nasabing pagtitipon si Sen. Kiko Pangilinan. Naging madali para sa press ang uriratin ang mag-asawa. Ever since naman kasi, madaldal na talaga si Shawee. Siya na nga ang nag-oopen sa amin ng mga isyu sa buhay niya.


Ganap na inanunsyo ng couple ang kumpirmadong pagtakbo ni Kiko sa pagka-Bise Presidente sa darating na 2010 Elections. Nilinaw ni Sharon na muling kakandidato si Kiko bilang Indipindyente katulad ng ginawa niya noong 2004 Elections. Ayon pa kay Kiko;

Gusto ko ulit subukan ang mag-indipendent. Sa tulong ng mga pamilya, at mga kaibigan. Baka kung kakaiba ang pagkapanalo, kakaiba rin ang maging pamamahala.


Samantala, sa kalagitnaan ng interview sa dalawa, hindi inaasahang dumating bigla si KC Concepcion. Nakigulo na rin ito sa aming lahat. Cowboy talaga si KC. Manang-mana kay Mega. Walang keme at game sa pagsagot sa mga intriga.

Sa kakulitan na rin ng press, napunta ang usapan sa lovelife ni KC at sa usapin ng pag-aasawa. Nilinaw naman ni KC na wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon.

Wala pa po talaga. Hindi pa sumasagi sa isip ko yung marriage o magka-baby o watever.. I just love being single..”

Pabiro namang sinabi ni Senator Kiko na kapag may nagkamaling lalaki kay KC, agad niyang ipapatawag sa Senado.

Pero ang hindi ko talaga makalimutan, nang magpakatotoo si Mega at sabihin kay KC na;

Bakit nga ako? Nagdalaga ako nung naghiwalay kami ng Papa mo. I want you to enjoy that also the other way around.”

Hindi naman nagkomento si Mega sa tahasang pag-amin ni papa Piolo Pascual sa kanyang panliligaw kay KC. Gayunpaman, sa ibang interviews eh sinabi rin ni Ate Shawee na KC is in good hands kung kay Papa PJ. Bongga!

Anyway, gudluck kay Sen. Kiko! Ganu na rin kay KC at Piolo.

No comments: