Thursday, July 23, 2009

EXCLUSIVE! CORY, ISANG LINGGO NA LANG?

Muling nagpasalamat si Kris Aquino sa buong Pilipinas sa walang sawang pagdarasal para sa kanyang ina na si Tita Cory. Sa programang THE BUZZ noong nakaraang Linggo, July 19, inamin ni Tetay na stage 4 na ang colon cancer ng dating Pangulo. Ibig sabihin, himala na lamang ang magpapagaling dito.


“Siguro, ito na yung pinakamahirap na time for all of us and for her. She’s in pain already. So, please pray for her, na sana ma-lessen. Kasi, ang hirap-hirap po talagang makitang nahihirapan siya.”

Humingi rin ng paumanhin si Kris sa publiko kung bakit ngayon lang nila inanunsyo na stage 4 na ang cancer ni Tita Cory. Ayon pa sa kanya, noong Marso pa lang, kung saan unang nadiskubre ang sakit ng kanyang ina, alam na nilang stage 4 na yun. Pero, hindi pa nila handang sabihin sa publiko ang katotohanan nang mga sandaling iyon. Basta’t sinabi lang nila na COLON CANCER.

Ayaw daw nila na mabigla ang publiko sa kahihinatnan ng kalagayan ni Tita Cory. Halata ring tila nawawalan na ng pag-asa si Kris. Nanginginig ang boses at nangingilid ang luha niyang sinabing hindi na niya kayang maging matatag.

Nagpaalam rin si Kris sa publiko na baka hindi siya makasama sa primetime show nila ni Boy Abunda na SNN (Showbiz News Ngayon) at maging sa The Buzz.

Samantala, isang source ng Pinoy PEP ang nagbigay ng impormasyon sa aming Pamunuan. Mahirap para sa amin na ilabas ito. Pero, obligasyon rin namin na ilabas kung ano ang naiparating sa amin ng isang mapagkakatiwalaang tauhan.

Ayon sa kanya, tinapat na umano ng mga doktor ang Pamilya Aquino. Ihinayag umano nito, na 1 week or less na lang ang itatagal ni Tita Cory.

Nabigla kaming lahat. And for that, kasama kami ng Pamilya Aquino sa panalangin upang maibsan ang krisis na kanilang pinagdadaanan.

Nililinaw ng Pinoy PEP na hindi namin inilalabas ang isyung ito upang manira o kung ano pa man. Batid naming karapatan ng Sambayanang Pilipino na malaman ang katotohanan. Sa kabilang banda, kung totoo man ang info na ibinato sa amin, malalaman at malalaman din ng publiko.

No comments: