Thursday, July 23, 2009

WILLIE, NAKAKASUYA!

Kamusta mga amiga?

Maibida ko lang, ang aking sintimyento tungkol sa poging-poging si WIL (Willie Revillame). Hindi naman maikakaila na sikat na sikat na talaga ang naturang host ng number one noontime show, ang WOWOWEE. Talagang kwelang-kwela ang programa ng naturang host. Tunay rin namang napakaraming natutulungan ng naturang palatuntunan.

Pero, pansin ng ilang matatabil ang dila, hindi kaya naiisip ng Pamunuan ng WOWOWEE na suyang-suya na ang mga manonood sa araw-araw na pagkanta ni WILLIE ng hit single niyang, IKAW NA NGA? Oo nga't bumenta ito. Naging number one sa mga top charts ng maraming surveys at dyaryo.

Pero, kungbaga sa ulam, nakakasawa na ang kanta ni Willie. Paulit-ulit na lang. Halatang-halata naman na hindi live ang kanta ng sikat na host. LEAP SING! Inaamin naman ni Wil na hindi siya ganoon kahusay kumanta. Pero, sana naman eh lubayan na ng WOWOWEE ang paulit-ulit at nakakarinding IKAW NA NGA ni Willie.
Ayon kasi sa ilan, tuwing kakanta na si Willie, inililipat nila ang channel sa Eat Bulaga, ang katapat na programa ng Wowowee.


Kita nyo na? Edi kayo rin ang nawawalan. Panawagan ko kay Mr. M (Johnny Manahan, Direktor ng Wowowee), patigilin mo na ang promotion ng kantang yan. Sobra-sobra na ho ang kinita ng album at hindi na kailangang ipromote pa.

At kay Wil, we hope that you would take our observation as positive as we would like to sound.
Sa mga hindi nagsasawa sa kanta ni Willie, ito ang para sa inyo;





No comments: